Sat, 17 Nov 2018
70
San Jose

SAN JOSE, Occidental Mindoro, Oct 15 (PIA)-Ginanap kamakailan sa dalawang mataas na paaralan ng bayang ito ang kampanyang E-Power Mo ng Department of Energy (DOE), sa pamamagitan ng isang puppet play.

Ang E-Power Mo ay pangunahing kampanya ngayon ng kagawaran na layong maturuan ng iba't ibang pamamaraan ng pagtitipid sa kuryente ang mga kabataan.

Unang dinala ang puppet show sa San Jose National High School (SJNHS). Nagpahayag ng pasasalamat si Rodel Bahia, punong guro ng SJNHS, sa DOE at sa Philippine Information Agency (PIA) Mimaropa, ang magkatuwang na ahensya sa paghahatid ng E-Power Mo Campaign sa iba't ibang lalawigan sa rehiyon.

"Sa aking pagkakaalam ay ngayon lang nagkaroon ng puppet show sa aming bayan," pahayag ni Bahia sa kanyang mensahe bago ang palabas.

"Maswerte ang SJNHS na mapabilang sa pagdarausan nito," saad pa nito. Naniniwala ang punong guro na makatutulong ang kanilang mga mag-aaral sa pagpapalaganap ng dalang mensahe ng kampanya ng DOE.

Pinasalamatan din ni Fred Magbanua, punong guro ng Pedro T. Mendiola Sr Memorial National High School (PTMSMNHS) na napili ding puntahan ng E-Power Mo. Ayon kay Magbanua, maganda ang layunin ng programa at aniya'y maraming natutunan ang kanilang mga mag-aaral, bukod pa sa kasiyahang natamo ng mga ito sa panunuod ng puppet play. (VND/PIA MIMAROPA/Occ Min)

More San Jose News

Access More

Sign up for Silicon Valley News

a daily newsletter full of things to discuss over drinks.and the great thing is that it's on the house!